Oi! Hello ;)
Sorry di ko 'to na-update nung March 13 and kahapon. Hmm, mejo naging busy e. Lalo na nung 13! So, share ko sa inyo kung ano meron nung 13.
Pumunta kami Fisher's Eco Farm. Sinundo ko pa si Bhezs sa Mcdo, grabe umiksi patience ko sa kanya nun. Haha. Edi ayun, after nun deretso sa destination. Hmmmmmm.. Nauna na sila Lysa and Marjio dun. Pag dating namin sa Fisher's Eco Farm, sumunod din si Trisha. Edi yun halos magkasabay kami dumating. Pag kapasok namin sa resort, maganda naman. Cottage #2 kami. Yung katabi namin na cottage sa right side ang daming bakla. Bongga mga suot, feeling babae talaga, hahaha. Mejo nandire ako :D. Tapos maya-maya nagtext si Moira, tapos tinawagan ako nagpapaturo ng direction.. Ayun pinaturo ko ke mama.. Bla bla bla, nakadating na sila. Cute ng slippers ni Kambal, inarbor ko. Waha! Binigay naman :) Love you bal :* nagkataon naman na nakita namin si Nikki. Edi counted na, kasama na siya samin pati sa cottage. After nun... Edi nangibabaw na naman pagiging "camwhore" namin. Picture doon, picture dito. Harhar. Tapos kain dito, kain jan. Dami handa. Mwahaha~ edi nagshower na kami, sabay-sabay kami sa isang shower (malawak naman kasi) para mabilis. Haha, tapos yun swimming na.. Hmmm, ayoko na i-share yung isang thing na nangyari doon, haha. AWKWARD kasi masyado. Habang nagkkwentuhan kami sa pool, dumating si Elbert. Parang bata e, hahaha. Kutos siya samin eh, lol. Edi yun.. swimming.. swimming... swimming... hanggang sa nagutom kami. Balik kami cottage, kainan na naman! Nag-bombs kami sa cottage, pwahaha! SHHHH ;) Picture taking na naman, hahahaha. Mga pose namin iba-iba. Asian pose, seducing pose, gutom pose, etc. May the bar sina mama, sayang di namin nagalaw amp. Dapat mag-horseback riding kami, kaso sabi "bad mood" daw mga horse kapag mainit. So kantahan na lang kami sa videoke. Haha, pakapalan ng mukha.. Nakisawsaw lang kami e. Yung video nasa facebook.
Haha, yan! Glory of Love yan. Tsk, mejo bigay na bigay kami. Lol. Si Ruby kinareer masyado e :)) sayang wala jan sila Marjio, Trisha, Nikki & Lysa. Nasa pool pala sila, hinahanap kami. Wew. Pagkatapos swimming ulit kami. Wahaha~ Sa may lilim lang kami nagsswimming, tambay kumbaga. Naglaro kami taytayaan~ wahaha madami nandaya (isa na ako dun). Sumisid para lang di mataya. Hmm mejo napagod ako, tapos maya maya bigla ako pinulikat sa pool. BADTRIP! Eh first time ko lang mapulikat, wala akong idea na ganun pala kasakit mapulikat.. Mejo naging scandalosa ako, sumigaw ako :D. Edi ung mga chismoso at chismosa puntahan naman sakin na parang ngayon lang nakakita ng pinupulikat na tao. Lol. Edi unta rin sila mama sa pool, bla bla bla bla bla hanggang naging ok na. Balik kami lahat sa cottage, tapos eto namang si "lola" nagiging pwet ng manok na naman. Grrrr, buti na lang may respeto ako sa mga matatanda. Kain na naman, di ako kumain masyado, sila lang. Hmm, after kumain, (wala talaga akong dala) swimming ulit kami. Pwaha, naglaro pa kami ng volleyball. Tapos may isang nakakatakot ng lalake na tingin ng tingin samin, sabi ko ke kambal "ui, tignan mo tingin ng tingin satin nila marjio. Katakot.". Kung makatitig ba naman parang may masamang iniisip, so parang nahalata niya na siya pinaguusapan namin, lumayo siya.. lumayo din kami..
Wew, nagbanlaw kami mga 3:30pm na. Haba ng pila, so sa isang cubicle 3 kami para mabilis na. After namin mag-banlaw, ayun picture taking ulit. Ay bago pala yun, pagdating namin sa cottage, yung mga bakla nakikikain na samin. W E W. Eh mejo naiilang ako pag may nakikisawsaw samin na di ko kilala, pero pinabayaan ko na lang bahala sila kumain jan. Tapos nakipicture pa yung 2 gays, wtf. Ang kakapal, lol. Mejo naasar ako nun, di ko lang pinakita. Parang nakiki-go with the flow na lang ako (marunong naman ako makisama kahit papano). So yun, wala na masyado nangyari. Kung kelan pauwi na kami pauwi na din lahat, wahahaha! So unang umalis sina Trisha, Marjio and Lysa. Sumunod sina Ruby, Moira, and Elbert.. hinatid sa SM. Nakauwi na kami nina Alyssa mga 6pm na. Waaa kapagod na araw na yon, pero super saya! Sulit!
Waaaa ang haba nito, pwahaha! DALDAL ko.
Actually, eto na yung summarization.. :)) MWAHA!

0 comments:
Post a Comment